Nagpaabot ng pakikisimpatya si Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani ng Qatar kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga nabiktima ng Bagyong Odette.
Base sa pag-uusap sa telepono ng dalawang lider, nag-alok ang Amir ng tulong para sa rehabilitasyon sa Visayas at northern Mindanao.
Sinserong pasasalamat naman ang isinukli ni Pangulong Duterte sa Amir.
Kaugnay nito ay inatasan ng dalawang lider ang kani-kanilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Ministet of Interior Government na direktang magkaugnayan para ayusin ang pagpasok sa bansa ng humanitarian assistance galing sa Qatar.
Sa kanilang pag-uusap, sinabi ng Pangulo sa Amir na mananatiling kaibigan ng Pililinas ang Qatar at pinasalamatan ang gobyerno nito para sa makataong pagtrato sa mga Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Sa kaniyang panig, sinabi naman ng Amir na pinahahalagahan ng Qatar ang mga Filipino.
Ipinaabot din nito ang kaniyang paghanga sa matatag na liderato ng Pangulo at ang hangaring maging matagumpay ito sa pagtupad sa kaniyang mandato.