Suplay ng tubig sa mga tinamaan ng #OdettePH, hindi pa maibabalik hanggang sa susunod na taon
Inamin ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na hindi pa maibabalik sa normal ang suplay ng tubig hanggang sa susunod na taon sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.
Ayon kay LWUA corporate board secretary at Task Force Odette head Abner Malabanan, patuloy pa ang ginagawang assessment sa lawak ng pinsala ng bagyo.
Ayon kay Malabanan, hirap ang kanilang hanay na makapagtrabaho dahil sa walang suplay ng kuryente.
Kung mayroon man aniyang generators, kapos naman ang suplay sa diesel at mataas naman ang presyo.
Una nang sinabi ng LWUA na magpapadala ang kanilang hanay ng mobile water treatment facility sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.