Ayon kay Senador Bong Go, utos ng Pangulo, ibigay ang pera sa local government units para ipang-ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay Go, inatasan din ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng P5,000 financial assistance ang bawat pamilya na naapektuhan ng bagyo.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos bisitahin nila ni Go ang Siargao at Dinagat Islands, araw ng Miyerkules (December 22).
Ayon kay Go, namigay din sila ni Pangulong Duterte ng relief goods.
“Nakakalungkot ang nangyari na habang unti-unti na nating nalalampasan ang pandemya ay maraming mga kababayan naman natin ang naging biktima ng bagyong Odette. Papalapit na ang Pasko at ang Bagong Taon ngunit panibagong pagsubok na naman ang dumating sa ating bansa. Gayunpaman, nakikita kong nananatiling matatag ang diwa ng bayanihan na nagbibigay ng lakas at pag-asa sa ating mga Pilipino,” pahayag ni Go.
“Kailangang maibalik kaagad ang kuryente at telecommunications upang mas mapabilis ang coordination ng mga field personnel at maging ng mga kababayan nating kailangang makausap at makumusta ang kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag ng Senador.