Pangulong Duterte, binisita ang Siargao

By Chona Yu December 23, 2021 - 12:46 PM

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Siargao na isa sa mga lugar na mahigpit na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Senador Bong Go, nagsagawa sila ni Pangulong Duterte ng aerial inspection sa Siargao na kilalang surfing paradise at isa sa best resort islands sa buong mundo.

Ayon kay Go, personal na kinausap ng Pangulo ang mga nabiktima ng bagyo na ngayon ay pansamantalang naninirahan sa evacuation centers sa bayan ng Dapa.

Nagbigay din ng ayuda si Pangulong Duterte sa mga nabiktima ng bagyo.

Maging ang Siargao Island Sports and Tourism Complex na natuklap ang bubpng ay binisita rin ng Pangulo.

Matatandaang 19 katao ang nasawi sa Siargao dahil sa bagyo.

Hanggang sa ngayon, hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa lugar.

TAGS: bong go, InquirerNews, OdettePH, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, bong go, InquirerNews, OdettePH, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.