Pito sa mga pumasok sa Magic 12 sa senatorial survey ng Pulse Asia ay pawang dati at reelectionist senators.
Ang resulta ng survey na inilabas ngayon araw ay may 2,400 respondents at isinagawa noong Disyembre 1 hanggang 6.
Pinangunahan nina dating Sen. Alan Peter Cayetano (64.1%) at broadcaster Raffy Tulfo (60%) ang mga napiling kandidato.
Sumunod sa kanila sina dating Sens. Loren Legarda (58.7%) at Francis Escudero (53.9%) at kumumpleto sa Top 5 si dating Public Works and Highways Sec. Mark Villar (51.3%).
Sinundan sila nina;
- Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri – 49.4%
- Dating Vice President Jojo Binay – 44.7%
- Joel Villanueva – 41.6%
- Sherwin Gatchalian – 40.1%
- Pangulong Rodrigo Duterte – 35.8%
- Robin Padilla – 35.6%
- Senator Risa Hontiveros – 35.5%
- Dating Sen. Jinggoy Estrada – 34.4%
- Dating Sen. JV Ejercito – 32.1 percent)
Kapwa mga dating senador din ang sumusunod sa kanila, sina Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.
MOST READ
LATEST STORIES