Sen. Ping Lacson: Post-Disaster Needs Assessment, international help kailangan sa Odette victims
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may dalawang bagay na dapat gawin para matiyak na mabibigyan ng kinakailangan tulong ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Odette.
Binanggit nito ang initial Post-Disaster Needs Assement (PDNA) para matukoy ang mga lugar na kailangan gawing prayoridad sa relief operations.
At ang ikalawa naman, sabi pa ni Lacson, ay ang panawagan sa international community para sa relief assistance.
Aniya ang dalawang bagay na ito ay ayon na rin sa mga paunang hakbang na ginagawa ng gobyerno.
“It is imperative that the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), through the Office of Civil Defense (OCD), expedite the submission of their initial PDNA (Post Disaster Needs Assessment), in order to have an accurate data-driven information on the ground so the national government can prioritize relief, rehabilitation and recovery efforts and assistance to the hardest hit communities,” sabi pa ni Lacson, na nagsilbing Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR).
Samantala, aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) naman ay maaring manawagan sa ibang bansa ng tulong gaya nang naging pagtugon ng ilang gobyerno nang manalasa ang bagyong Yolanda walong taon na ang nakakalipas.
Dagdag pa ni Lacson dapat ay pulungin na ng NDRRMC ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya para matiyak na magkakaroon ng koordinasyon sa isat-isa sa kanilang mga aksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.