P4.143-M halaga ng Ecstasy tablets, nasamsam ng BOC
Umabot sa 2,437 Ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P4.143 milyon ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs – NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center at DHL warehouse sa Pasay City.
Nabatid na itinago ang naturang party drugs sa dalawang letter posts at isang parcel na idineklarang naglalaman ng switch panels.
Dalawang parcels ang nagmula sa Netherlands at isa naman ang galing sa Germany at naka-consigne sa iba’t ibang tao sa Quezon City, Bulacan at Las Pinas City.
Pinaniniwalaan na ang mga naturang droga ay ipapakalat sa mga party at kasiyahan sa Kapaskuhan.
Noong nakaraang linggo, P15.572 milyong halaga ng Ecstasy ang nasabat ng BOC – NAIA.
Patuloy ang pag-iimbestiga sa mga naturang ilegal na kargamento para sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.