DepEd, umaasa sa patuloy na paglawak ng limited face-to-face classes
Umaasa si Education Secretary Leonor Briones sa patuloy na paglawak ng implementasyon ng limited face-to-face classes.
Kasabay ito ng pagbabakuna ng mas maraming Filipino laban sa COVID-19 sa tulong ng ikinasang National Vaccination Day.
“Kaya kami ay tuwang-tuwa and it’s a great honor for us to work with Secretary Duque and Secretary Galvez and Vince [Dizon] sa kampanyang ito kasi ang success ng education is very dependent on the health of our children and we need to protect our children hindi lamang iyong 12-17 years old na mga bata, pero lahat including the parents themselves,” pahayag ng kalihim.
Anjya pa, “Malaki ang aming interest na mag-open ng face-to-face hindi lamang sa mga lugar na walang masyadong tao kundi sa mga urban areas. We’re thinking largely of NCR, also of Region IV-A, and the large cities na napakaraming mga bata naka-concentrate doon.”
Hinikayat ni Briones ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.
Magbabase kasi aniya ang pagbabalik ng face-to-face classes sa magiging resulta ng vaccination campaign.
“So iyong ating pag-asa ng bayan, siguro makausad na tayo by 2022 by end December, tatapusin na natin itong pilot and talagang i-implement na natin ang tunay na polisiya para sa edukasyon, blended learning, kombinasyon ng digital learning at saka face-to-face at bigyan natin ang mga bata ng pagkakataon na makakita din sila ng iba pang mga bata,” saad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.