‘Diktadurya kontra sa mga kriminal ang aking ipatutupad’-Duterte

 

Inquirer.net/AFP

Isang diktadurya laban sa mga kriminal, drug lord at lahat ng iba pang mga masasamang loob.

Ito ang aasahan ng publiko sa administrasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na siyang ipinapalagay nang panalo sa nakalipas na halalan.

Sa kanyang pagharap sa mga mamahayag, inihayag ni Duterte na magiging isang uri ng ‘dictatorship’ ang kanyang liderato na nakatuon sa pagsugpo sa mga masamang elemento ng lipunan.

Giit nito, kailangan niyang pangalagaan ang kapakanan ng bansa kaya’t wala aniyang makakapigil sa kanyang mga pinaplanong gawin.

Handa siya aniyang pakinggan ang mga sasabihin ng mga human rights groups.

Gayunman, maging ang United Nations aniya ay hindi siya mapipigilan sa kanyang mga plano.

Isa aniyang’ solemn commitment’ ng kanyang administrasyon ang tapusin sa loob ng 3-6 na buwan ang kriminalidad sa bansa.

Una nang umani ng pagpuna sa mga lokal at maging mga international human rights groups ang alkalde dahil sa mga pagbubunyag nito ukol sa kanyang partisipasyon sa pagliligpit ng ilang mga kirminal sa lungsod ng Davao.

 

 

 

Read more...