House repair kits, inihatid sa Negros Occidental
Naghatid ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Western Visayas ng house repair kits para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Maingat na isinakay ang 50 house repair kits sa BRP Nueva Vizcaya (SARV-3502), araw ng Lunes (December 20).
Layon nitong makatulong sa pagsasaayos ng mga nasirang bahay sa naturang probinsya.
Maliban dito, namahagi rin ang ahensya ng 900 food packs at 500 hygiene kits sa mga apektadong pamilya.
Mula naman sa Lapuz Wharf, Iloilo City, ligtas na nakarating ang naturang supplies sa BREDCO Port, Bacolod City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.