Nasa 79 na lamang ang average daily COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ito ang ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research at aniya, nanatiling nasa ‘very low risk’ category ang National Capital Region mula noong Disyembre 14 hanggang 20.
Dagdag pa ni Guido, ang average daily attack rate o ADAR naman ay 0.55 sa bawat 100,000 ng populasyon at reproduction number ay 0.48.
Samantala, ang positivity rate ay 0.6 porsiyento.
Ang lahat na 17 lokal na pamahalaan naman sa Metro Manila ay nasa ‘very low risk’ category na rin.
MOST READ
LATEST STORIES