Pagdedeklara ng state of calamity sa Surigao del Sur, pinag-aaralan na

By Chona Yu December 21, 2021 - 02:12 PM

PCG photo

Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur ang pagdedeklara ng state of calamity.

Ito ay dahil sa pinsalang dulot ng nagdaang Bagyong Odette.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na nagpatawag na siya ng special session sa araw ng Martes, December 21, para sa pagdedeklara ng state of calamity.

Pero ang problema, ayon kay Pimentel, marami sa local government units ang kaunti na lamang ang calamity fund dahil sa pandemya sa COVID-19.

“Iyon na nga ang problema; kaya nga nagpatawag ako ng special session ngayon para mag-declare ng state of calamity kasi ang problema lahat ng LGUs konti lang ang calamity fund dahil nasa pandemic. So—pero nakapagbigay na kami ng mga food packs sa lahat ng—karamihan ng LGU at saka iyong province nakabigay na ng food packs sa mga… iyong nag-evac pero nagsiuwian naman,” pahayag ni Pimentel.

Ayon kay Pimentel, nasa 45,000 na pamilya o 140,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Surigao del Sur.

12 bahay aniya ang totally damaged habang 235 anag partially damaged.

Isa katao ang naiulat na nasugatan habang zero casualty naman sa Surigao del Sur.

TAGS: InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews, surigao, InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews, surigao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.