LGUs hiniling na maging alerto kontra Omicron variant
Matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng Omicron variant sa bansa, nanawagan si vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa mga ginagawang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19. Ayon Galvez dapat ay seryosohin ang banta ng Omicron sa katuwiran na dahil sa bagong variant muling dumami ang kaso ng COVID 19 sa ilang bansa. “Nakikita na yung Omicron maybe sabihin nating medyo mild, pero kapag dumami, there is a possibility na tataas din ang deaths, hospitalization at severe cases considering that mag-overwhelm ang health services natin,” sabi pa nito. Kayat payo niya sa LGUs, suriin muli ang kanilang mga ginagawa hakbang at makakabuti kung susuriin ang kanilang quarantine facilities, ospital at maging ang kanilang healthcare workers. Muli din niyang sinabi ang kahalagahan na mapalawak ng husto ang isinasagawang vaccination rollout. Aniya inirekomenda na niya sa Vaccine Expert Panel na paigsiin ang pagitan ng booster shots sa tatlong buwan mula sa anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.