Rafa Nadal positibo sa COVID-19

AFP photo

Positibo sa COVID-19 si tennis superstar Rafa Nadal.

Ito ay matapos ang laro sa Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi at umuwi sa Spain.

Ayon sa 20-times Grand Slam champion, nagkaroon siya ng “unpleasant moments.”

Nalaman ni Nadal na positibo siya sa virus nang magpa RT-PCR test pagdating sa Spain.

Negatibo naman si Nadal sa virus habang nasa Kuwait at Abu Dhabi.

Umaasa si Nadal na tuluyang makarerekober sa sakit.

 

Read more...