Dumating na sa bansa ang 3.3 milyong doses ng COVID-19 vaccines na donasyon ng Amerika at France.
Ayon sa ulat ng National Task Force against COVID-19, 1,623,960 doses ng Pfizer ang donasyon ng Amerika habang 1,697,000 doses ng AstraZeneca ang donasyon ng France.
Idinaan ang donasyon sa Covax Facility.
Dumating sa bansa ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kaninang 6:00 ng umaga sakay ng Emirates flight EK334.
Aabot na sa 100, 907, 667 doses ng vaccines na ang naiturok sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES