Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Flying V, Petron, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, Seaoil, at Shell, kapwa P0.55 ang dagdag sa kada litro ng diesel at gasolina.

Sinabi ng Petron, Caltex at Shell na hindi magiging epektibo ang bagong oil price adjustment sa mga sumusunod na lugar dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette:
– Palawan
– Cebu
– Bohol
– Aklan
– Capiz
– Iloilo
– Negros Occidental
– Negros Oriental
– Samar
– Leyte
– Agusan del Norte
– Butuan
– Cabadbaran
– Agusan Del Sur
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
– General Santos City
– Koronadal

Hindi rin magkakaroon ng patong sa presyo ng oil products ng Petron at Caltex sa Bacolod.

Samantala, magkakaroon din ng taas-presyo na P0.70 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Flying V, Petron, Seaoil, at Shell.

Magkakaroon ng price freeze sa kerosene ang Caltex, Petron, at Seaoil sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (December 21).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Flying V, Petron, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...