263 pang kaso ng COVID-19, naitala sa bansa
Nasa 263 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 20), pumalo na sa 2,837,730 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 9,592 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.
3,569 sa active COVID-19 cases ang mild; 473 ang asymptomatic; 3,375 pasyente ang moderate; 1,797 ang severe habang 378 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 45 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 50,784 o 1.79 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 390 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,777,354 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.