Mga tagasuporta ni Presidential aspirant Moreno, namigay ng regalo sa mga bata

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

May maagang pamasko sa mga bata ang mga tagasuporta ni presidential aspirant at Manila mayor Isko Moreno.

Aabot sa 3,000 bata ang pinasaya ng mga tagasuporta ni Moreno.

Ito ay dahil sa naglunsad ng community service ang grupong IM Pilipinas Bilis kilos Mobile Teams sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga ipinamigay ng grupo ang mga laruan at packed meals sa 18,000 probinsya.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga bata at mga magulang sa maagang pamasko.

Ayon kay Irma Cabangon, malaking tulong ito lalot dalawang taon na nakulong sa loob ng bahay ang mga bata dahil sa pandemya sa COVID-19.

Nabatid na tinagurian ang gift giving activity na hatid-tuwa sa mga bata sa buong bansa mula kay Ninong Isko.

Ayon kay Annacel Cosa, malaking kasiyahan sa mga bata ang mga regalo.

Ang IM Pilipinas ay network ng volunteers at supporters ni Mayor Isko.

Ito ay isang multi-sectoral at multi-tribal group at isa sa mga nagtulak kay Mayor Isko na tumakbong pangulo ng bansa.

Read more...