P343.4M halaga ng pinsala naitala ng NDRRMC sa pananalasa ng bagyong Odette

By Jan Escosio December 20, 2021 - 04:34 PM

ARMY 802ND INFANTRY BRIGADE PHOTO

Paunang P343.454 milyon ang halaga ng napinsalang istraktura at sa sektor ng agrikultura sa pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC).

Kabilang sa mga napinsala ay mga tanggapan ng gobyerno, flood control projects, kalsada at tulay at ang halaga ay umabot sa P225.170 milyon, samantalang P118,284 milyon naman ang halaga ng mga nasirang produktong-agrikultural.

May 54,783 bahay ang napinsala, 41 kalsada at apat na tulay ang bumagsak, samantalang apat na airport at 118 seaports ang napinsala.

Samantalang kabuuang 5,391 ektarya ng ibat-ibang pananim at 15 livestock at poultry ang napinsala ng husto.

“We are still assessing the damage but it is huge per initial report: entire community leveled to the ground, no electricity, water, and food,” sabi nu NDRRMC Chairman at Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Samantala, sa 227 lungsod at bayan na nawalan ng suplay ng kuryente, 21 pa lamang ang naibalik na ang suplay. Naibalik na rin ang linya ng komunikasyon sa 106 sa 136 lugar na nakaranas ng signal interruption.

May 58 nang napa-ulat sa NDRMMC ang nasawi, bagamat 54 ang patuloy na bineberipika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.