Radyo Inquirer On-Line News Director Arlyn Dela Cruz – Bernal, pumanaw dahil sa colon cancer

By Radyo Inquirer On-Line News Team December 20, 2021 - 04:48 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Narito ang opisyal na pahayag ng Radyo Inquirer On-Line sa pagpanaw ni Ms. Arlyn Dela Cruz-Bernal:

Ikinalulungkot naming ianunsiyo ang pagpanaw ng aming butihing Radyo Inquirer On-Line News Director na si Arlyn Dela Cruz – Bernal.

Pumanaw si ADC, kung siya’y aming tawagin, Lunes ng umaga (December 20, 2021). Nilabanan niya ang colon cancer nang anim na taon. Sa loob ng panahong iyon, ipinaglaban niya ang karapatan at kaalaman sa kanser at tinulungan din ang maraming taong naapektuhan nito.

Maraming taon ang inilaan niya sa paggawa ng balita, dokumentaryo, pelikula, pagpipinta at iba pang obra upang magbahagi ng katotohanan at kaalaman sa publiko. Tatatak ang lahat ng ito sa ating puso at isipan.

Nakikiramay ang buong pamunuan ng Radyo Inquirer On-Line sa mga naiwang mahal sa buhay ni Direk Arlyn. Nakatanim na ang mga alaala niya sa kaniyang pamilya, kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho. Ipagpapatuloy din ang adhikain nito sa paghahatid ng balita at impormasyon para sa kamalayan ng publiko.

TAGS: ArlynDelaCruz, InquirerNews, RadyoInquirerNews, ArlynDelaCruz, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.