BRP Tubbataha, nakarating na sa Central Visayas
Nakarating na sa Central Visayas ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) ng Philippine Coast Guard.
Lulan ng naturang barko ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang generator sets, at kahun-kahong de lata at instant noodles.
Inabot ang relief supplies sa PCG District Central Visayas para sa agad maipamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol.
Alinsunod ang relief transport mission sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa pagbangon ng mga nabiktima ng Bagyong Odette.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.