NTC, inatasan ang telcos at ISPs na tiyakin ang minimal disruption at downtime sa holidays

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications at internet services providers (ISPs) na tiyakin ang minimal service disruption at downtime sa kanilang serbisyo sa holiday season.

Sa memorandum na nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, nakasaad na mula December 17, 2021 hanggang January 7, 2022 na inaatasan ang telcos at ISPs na bilisan ang kanilang maintenance efforts, itaas ang kanilang internet/broadband capacities, at tiyakin ang business continuity at disaster recovery protocols, 24/7.

Nakasaad sa memo na sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases, nananawagan ang Department of Health (DOH) na mag-celebrate na lamang ng Christmas parties virtually bunsod ng banta ng Omicron variant.

Sa press briefing kamakailan, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na “Kung magki-Christmas party po baka maaari, virtual parties muna. Let’s have that sacrifice first para po sa kapakanan ng ating pamilya at sa kapakanan po ng buong sambayanang Pilipino.”

Dahil dito, inaasahan ang surge sa internet traffic sa holiday season.

Read more...