Low pressure area sa Pacific Ocean binabantayan ng PAGASA

Nakatutok na ang PAGASA sa isang bagong low pressure area (LPA) na nasa Pacific Ocean sa kasalukuyan.

Agad naman nilinaw ng PAGASA na masyado pang malayo ang LPA para makaapekto sa panahon sa bansa.

“Ito ay malayong-malayo pa sa ating bansa. Patuloy po natin itong binabantayan,” sabi ni weather specialist Aldzar Aurelio.

Sinabi naman nito na nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Odette at wala na itong epekto sa panahon.

Nananatili naman aniya na nararanasan ang northeast monsoon sa Northern Luzon.

Read more...