BRP Ang Pangulo magdadala ng tulong sa mga typhoon victims sa Siargao
Umalis kagabi ang BRP Ang Pangulo sa Manila South Harbor at magtutungo ito sa isla ng Siargao para maghatid tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.
Sinabi ng Philippine Navy na ang ‘repurposed vessel’ ang presidential ship dahil ito ay isa ng 10-bed floating hospital.
Ang mga sakay nito ay magbibigay ng serbisyong medikal at iba pang uri ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
May dala din itong mga relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama na ang 1,000 kahon ng family food packs at 1,200 hygiene kits.
Sinabi pa ng Philippine Navy na nakahanda ‘for deployment’ ang iba pa nilang ‘assets’ ar puwersa sakaling kailanganin pa para tumugon sa pangangailangan ng mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.