Mga biktima ng bagyong Odette ipinagdasal ng Santo Papa
Inalayan ng dasal ni Pope Francis ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
“I express my closeness to the population of the Philippines, struck by a strong typhoon that has caused many deaths and destroyed so many homes,” ang tweet ng Santo Papa.
Dagdag pa niya; “May the ‘Santo Niño’ bring consolation and hope to the families of those most affected.”
Sinabi pa nito sa kanyang Homiliya na nang mapanood niya mula sa Vatican City ang epekto ng nagdaang bagyo, naramdaman niya na dapat ay kapiling niya ang mga biktima.
Noong 2015 bumisita sa bansa si Pope Francis at nagselebra ng Banal na Misa kapiling ang mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Yolanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.