Falcon nanalasa sa China

 

Chinese-evacuees-0711-660x440
AP photo

Nananalasa sa Shanghai, China ang bagyong Falcon na may International name na Chan-hom kung saan umabot na sa 865,000 na katao ang inilikas.

Sa abiso ng City Government ng Shanghai, pinapayuhan ang mga residente na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan. Apektado na ng bagyo ang biyahe ng mga eroplano, tren at bus na galing Shanghai.

Ang China Eastern Airlines at Shanghai Airlines umabot sa 400 flights ang kinansela.

Sa pagtaya ng National Meteorological Centre (NMC) ng China, ang bagyong Chan-hom na ang pinakamalakas na bagyong tatami sa kalupaan ng Zhejiang province mula noong 1949.

Sa pinakahuling datos mula sa NMC, taglay ng bagyong Chan-hom ang lakas ng hanging aabot sa 187 kilometers kada oras./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...