Globe may alok na libreng data, unli calls at SMS sa mga nabiktima ng Bagyong Odette
Pinalawig pa ng Globe Telecom ang 1-day unlimited text at call sa lahat ng network para sa mga naapektuhan ng Globe at TM prepaid costumers dahil sa Bagyong Odette.
Ayon kay Issa Guevarra-Cabreira, Globe’s Chief Commercial Officer, makatatanggap din ng libreng isang buwang subscription sa Konsulta MD ang mga naapektuhang customers para sa kanilang medical needs.
Ang KonsultaMD ay isang telehealth service provider na pag-aari ng Globe.
Nag-aalok ang Globe Telecom ng libreng data, charging, tawag at text messages sa mga customer na naapektuhan ng Bagyong Odette sa Cebu, Samar, at Mindanao.
Makatatanggap din ng libreng 5GB ang mga eligible Globe At Home Prepaid WiFi customers na valid sa loob ng tatlong araw at isang buwang free KonsultaMD subscription.
“Connectivity is crucial most especially in calamity situations like this. We wish to enable our customers to avail of needed services, have access to news and information and above all, have peace of mind so they can connect and reach out to their loved ones wherever they are,” pahayag Cabreira.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.