P2 bilyong pondo para sa mga biktima ng Bagyong Odette inilaan ni Pangulong Duterte
(Courtesy: Senador Bong Go)
Aabot sa P2 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa relief assistance sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, naka-prepositioned na rin ang mga family food packs at iba pang non-food items na nagkakahalaga ng P1 bilyon.
Personal na nagsagawa ng aerial inspection kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senador Bong Go sa Surigao, Maasin, Leyte at iba pang lugar na nasalanta ng bagyo.
Puspusan na rin aniya ang ginagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways sa mga natumbang puno at poste para madaanan ang mga kalsada.
Ayon kay Nograles, aabot sa 700,000 katao ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 74,480 na pamilya aniya ang mga nasa evacuation center ngayon at nangangailangan ng tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.