Kinilala ni Senator Cynthia Villar ang kahalagahan ng programang ‘One Town, One Pasko’ ng Department of Tourism (DOT) para mapasigla muli ang kabuhayan ng mga naapektuhan ng pandemya.
Sa pagbubukas ng Grand OTOP Provincial Trade Fair sa Vista Mall sa Sta. Rosa City, Laguna, pinuri ni Villar ang DOT sa patuloy na pagsuporta sa mga maliliit na negosyante sa bansa.
“The OTOP program of the government is really intended for MSMEs and I am glad that the DTI has levelled it up through its OTOP Next Gen program that assists the inproduct development and enhances services in terms of assistance in improving quality, design, packaging, marketability, standards compliance among others,” sabi ng senadora.
Binanggit niya sa pagpapaluwag ng restrictions, marami na ang lumalabas ng kani-kanilang bahay lalo na ngayon Kapaskuhan.
“That is really the essence of OTOP—to patronize our own. It enables localities and communities to develop, support, and promote products or services that are rooted in its local culture, community resource, creativity, connection, and competitive advantage,” punto nito.
Aniya napakahalaga ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para mapagbuti pa ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), na 99 porsiyento ng mga negosyo sa bansa at nakakapagbigay trabaho sa 65 milyong Filipino.
Nabanggit ng senadora na ang kinikilalang real estate business ng kanilang pamilya ay nagsimula lamang sa maliit na sand and gravel company, kayat batid niya ang potensyal ng mga maliliit na negosyo.