Muling nanguna ang tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling presidential at vice presidential survey ng Publicus Asia Inc.
Sa Dec. 6-10, 2021 Pahayag Q4 survey na nilahukan ng 1,500 respondents, nanguna sa mga presidentiable si Marcos na nakakuha ng 51.9%.
Sumunod si Vice President Leni Robredo, 20.2%; Manila Mayor Isko Moreno, 7.9%; Senador Bong Go, 3.9%, Senador Ping Lacson, 3.4%. at Senador Manny Pacquiao, 2.3%.
Sa vice presidential candidates, nanguna si Mayor Sara na nakakuha ng 54.8%.
Sumunod si Dr. Willie Ong, 11.2%; Senate President Vicente Sotto III, 11.0%; Senador Kiko Pangilinan, 9.7%; Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, 1.5, at Walden Bello, 0.7%.
Samantala, pinangunahan din ng BBM-Sara UniTeam ang presidential at vice presidential survey ng DZRH Nationwide Pre-election survey.
Sa Dec. 11-12 survey ng DZRH, nanguna sa presidential aspirants si Marcos sa pamamagitan ng 49.2%; sumunod si Robredo, 16.2%; Moreno, 10.4%; Pacquiao, 8.2%; Go, 5.8%; at Lacson, 4.9%.
Pinangunahan naman ni Mayor Sara ang vice presidentiables makaraang makakuha ng 50.5%; sumunod si Sotto, 20.7%; Pangilinan, 10.2%; Ong, 8.4%; Atienza, 2.2%; at Bello, 7.2%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.