Aabot sa 291 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Disyembre 18, 2021.
Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2, 837, 555 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.
Nasa 523 na ang gumaling at 106 na ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,924) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,956) na ang gumaling, at 1.79% (50,675) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat na mga laboratoryo ang hindi operational noong December 16, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng pitong laboratory na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.