2021 Las Piñas City parol-making winners biniyayaan ni Sen. Cynthia Villar, pamilya

By Jan Escosio December 18, 2021 - 03:59 PM
Kinilala at naibigay na ang premyo sa mga nanalo sa taunang kompetisyon sa paggawa ng parol sa lungsod ng Las Piñas. Sa pangunguna nina Sen. Cynthia Villar, dating DPWH Sec. Mark Villar at House Deputy Speaker Camille Villar, pinarangalan na ang mga nanalo sa ika-16 taon ng kompetisyon sa pangunguna ng grand winner na si Luzviminda Gallardo na tumanggap ng P20,000, P15,000 naman ang premyo ng 1st runner-up na si Ildefonso Esguerra at ang 2nd runner up na si  Emeterion Cabasali ay tinanggap ang P10,000 premyo. Ayon kay Villar patuloy na susuportahan ng kanyang pamilya ang kompetisyon bilang suporta sa industriya ng parol sa bansa at pagkilala sa Las Piñas City bilang parol making capital ng Metro Manila. Kinilala nito ang patuloy na pagsusumikap ng maraming Las Piñeros na gumawa ng mga environment-friendly parols, na nagiging daan para maging kakaiba ang parol na gawa sa lungsod. “We have once again risen up to the challenge of honoring our annual tradition and spread holiday cheer and hope this season,” sabi pa ng senadora, na sinimulan ang kompetisyon noong siya ang kinatawan pa ng lungsod sa Kamara. Ang 12 parol na isinali sa kompetisyon  ay mula sa Samahang Magpaparol ng Las Piñas at gawa ito mula sa mga recyclable materials tulad ng shampoo sachets, karton ng sabon, straws, PET bottles, cans, tetra packs, diyaryo, CDs, carton boxes maging  mga shells ng talaba at tahong.

TAGS: dating DPWH Sec. Mark Villar, las pinas, parol, Sen. Cynthia Villar, dating DPWH Sec. Mark Villar, las pinas, parol, Sen. Cynthia Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.