Sen. Francis Tolentino: Bakunahan ang mga kuwalipikado na nasa evacuation centers
By Jan Escosio December 18, 2021 - 03:57 PM
Inihirit ni Senator Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) na bakunahan ang mga kuwalipikadong maturukan na nasa evacuation centers sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.
Katuwiran ni Tolentino, maaring samantalahin ng DOH ang pagkakataon na may mga mabakunahan sa hanay ng mga evacuees.
Binanggit nito, ang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 174,010 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.
“Samantalahin na po ito ng Department of Health, ang mga kababayan natin sa Naga, Cebu, Talisay, Cebu, sa Bohol ay nasa evacuation centers, samantalahin na po ‘yan para magbakuna sa evacuation centers, hindi na natin iintayin ang Miyerkules pa para magpalista ulit, nasa evacuation centers na sila sama-sama na doon na natin bakunahan,” sabi pa ng senador.
Sa ngayon, 39.56 milyong Filipino na ang naturukan ng COVID 19 vaccines sa siyam na buwang pagkasa ng national vaccination rollout.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.