Duterte legacy magbibigay ng komportableng pamumuhay ayon kay Senador Bong Go

Naniniwala si Senador Bong Go na magbibigay ng mas komportableng pamumuhay at paglago ng ekonomiya ang mga isinusulong na infrastructure project ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos ang unveiling ng Metro Rail Transit (MRT) 7.

Ayon kay Go, naisasakatuparan na ni Pangulong Duterte ang ‘’Build, build, build” project.

“Sa ating ‘Build Build Build’ program, unti-unti na nating maisasakatuparan ang pangako ng Pangulo na bigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino. Di na mahihirapan pa ang mga kababayan natin, lalong magiging mas maayos na ang kanilang biyahe,” pahayag ni Go.

“Dahil sa mga proyektong ito ng Administrasyong Duterte, mararamdaman talaga ng mga kababayan natin ang tunay na pagbabagong ipinangako ng Pangulo dahil sa ginhawa na dala ng mga bagong imprastrakturang ito,” dagdag ng Senador.

Aabot sa 24 kilometro ang MRT 7 na magdudugtong sa North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose del Monte saBulacan.

Kung magbubukas na ang MRT 7, aabot na lamang sa 35 minuto ang biyahe mula Quezon City patungo ng Bulacan.

Sa ikaapat na quarter ng taong 2022 inaasahang magbubukas ang MRT 7.

 

Read more...