P2.5 milyon ipang-aayuda ng Manila Council sa mga nabiktima ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao
Naglaan ng P2.5 milyong pondo ang Manila Council para sa mga nabiktima ng Bagyong Odette sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Patunay ito sa ‘bilos kilos’ na isinusulong ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna at presiding officer ng Manila Council na nanakatanggap siya ng sulat mula kay Moreno na humihiling na magkaroon ng special session para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
“Kaya kanina pong 11:30 ng umaga, tayo po ay nagkaroon ng special session at tayo po ay naglaan ng 2.5 million pesos para sa mga nasalanta ng Bayong Odette,” pahayag ni Lacuna.
Nabatid na P1 milyon ang ibibigay sa Cebu habang tig P500,000 naman ang ibibigay sa Bohol, Leyte at Surigao del Norte.
“Kami po ay nakikiramay sa ating mga kababayang lubusan po talagang nasalanta ng napakalakas ng bagyong Odette. Sana po ay makabangon po tayo sa nagyaring ito lalo na po at palapit na ang kapaskuhan. Sana po ay lakasan po natin nag ating mga loob. Tanggapin niyo po ang aming maliit na tulong ng ating pamahalaan ng Maynila,” pahayag ni Lacuna.
Ayon kay Lacuna, hindi na bago kay Moreno ang tumulong sa kapwa.
Matatandaan na isa si Moreno at ang lokal na pamahalaan ng Manila ang umayuda sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang taal pati na ang pagbaha sa Cagayan at Marikina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.