Traditional politics babalik kay Bongbong Marcos Jr.

By Chona Yu December 18, 2021 - 09:12 AM

 

Kalahati ng mga Filipino ang kumbinsido na manunumbalik lamang ang traditional politics kung mananalo sa halalan 2022 si dating Senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos jr.

Batay sa resulta ng non-commissioned survey ng Tangere -isang award winning team na nagbibigay ng real time actionable market insights sa para public at private sector noong December 13, na mahigit kalahati o 52 percent ng 1,200  na sinurvey mula sa Luzon, Visayas at  Mindanao ang nagsasabing  hindi aangat ang kanilang buhay kapag nanalo si Marcos.

Ayon kay Tangere CEO at founder Martin  Peñaflor, ang mga mahihirap na sektor ang nawalan ng tiwala kay Marcos.

Kung kayat maghahanap ng alternatibong leader sa katauhan ni Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.

Sinabi pa ni Peñaflor na naniniwala  ang mga taga-Metro Manila na bumoto noon kay dating Senador Mar Roxas na kung ito ang nanalo noong 2016 ay wala din magiging pagbabago sa bansa.

Nabatid na 30 percent lang  ng mga sinurvey ang naniniwala na isang strong leader si Marcos.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Tangere CEO at founder Martin  Peñaflor, traditional politics, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Tangere CEO at founder Martin  Peñaflor, traditional politics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.