Bagyong Odette palabas na ng bansa

Napanatili ng Bagyong Odette ang lakas habang patungo sa Kalayaan Islands.

Base sa 5am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 240 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Taglay ng bagyo, ang hangin na 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na 185 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 sa Kalayaan Islands habang nasa Number 2 ang central portion ng Palawan gaya ng San Vicente, Quezon, Puerto Princesa City, at Aborlan.

Nasa Signal Number 1 naman ang natitirang bahagi ng Palawan gaya ng Balabac, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point, Sofronio Española, Narra, Roxas, Taytay, Dumaran, Araceli, El Nido kasama na ang Calamian Islands.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of responsibility ang bagyo ngayong umaga o mamayang hapon.

Inaasahang dadaan ang bagyo sa Kalayaan islands ngayong araw.

 

Read more...