Jose Panganiban, Camarines Norte isinailalim sa state of calamity bunsod ng #OdettePH

Photo credit: Google Maps

Nagdeklara ng state of calamity sa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte dahil sa Bagyong Odette, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Ariel Non, aabot sa 800 ang bilang ng pamilyang inilakas dahil sa epekto ng sama ng panahon.

Mula aniya ito sa tatlong barangay: Dahican, Dayhagan, at Salvacion.

Sinabi rin ng alkalde na mayroong P300,000 na quick-response fund para makapaghatid ng tulong at pagkain sa mga residente.

Read more...