DA may nakahanda ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda

By Jan Escosio December 17, 2021 - 06:29 PM

Photo credit: Misamis Oriental PIO/Facebook

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na may nakahanda ng mga ayuda na ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.

Kabilang sa mga maaring ipamahagi ay 42,823 bags ng rice seeds, 12,484 bags ng corn seeds, at 11,132 kilo ng iba’t ibang gulay, gayundin ang P1.64 milyong halaga ng fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisda.

Bukod pa dito ang P100 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC); gamit para sa livestock at mga pangangailangan sa poultry industry at Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar.

Wala pang nailalabas na ulat ang DA-DRRM Operations Center para sa halaga ng mga napinsala sa sektor ng agrikultura.

Katuwiran ng kagawaran, hindi pa makapagpadala ng paunang ulat ukol sa pinsala ang kanilang regional offices dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo sa mga linya ng komunikasyon.

TAGS: DA, InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews, DA, InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.