Price freeze, ipatutupad sa mga lugar na nasa state of calamity
Awtomatikong mayroong price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Odette.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mahigpit na binabantayan ng kanilang hanay ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Kapag dineclare po ng state of calamity iyong mga areas na iyon by their respective LGU heads ay may automatic ho na price freeze. At iyon po ‘yung kailangang subaybayan pa natin dahil ongoing po iyong bagyo but as of today,” pahayag ni Lopez.
Base sa monitoring ng DTI, sinabi ni Lopez na wala pa namang namo-monitor ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.
Stable pa rin aniya ang suplay ng pagkain sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.