Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa 2nd day ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ umabot sa 734,337

Manila PIO photo

Aabot sa 734,337 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa ikalawang araw ng ikalawanng bugso ng National Vaccination Day o ‘Bayanihan, Bakunahan.’

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa kabuuan, nasa 1,006,096 na ang nabakunahan sa loob lamang ng dalawang araw.

Nanatiling top performing regions sa bakunahan ang Region 4A o CALABARZON, Region 3 o Central Luzon at Region 1 o Ilocos region.

Ayon kay Cabotaje, mahigit sa 100 milyong doses na ng bakuna ang naiturok nang magsimula ang bakunahan noong Marso.

Nasa 44 milyon na ang fully vaccinated o 55.78 porsyento ng target population.

Read more...