Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 273.23 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 273.23 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 273,237,321 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 51,435,652 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,726,049 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,204,941 naman ang kaso sa Brazil habang 11,097,851 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,131,646
– Turkey – 9,118,424
– France – 8,460,712
– Germany – 6,709,218
– Iran – 6,165,454
– Spain – 5,422,168
– Argentina- 5,376,642
– Italy – 5,308,180
– Colombia – 5,101,466

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,353,127 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 245,306,190 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...