Nagpatawag ng special session si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno para magpasa ng resolusyon na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Cebu province at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao.
Nanawagan din si Moreno sa mga kapwa Manilenos na maglunsad ng fund drive para magsagawa ng relief efforts.
“I have already asked the presiding officer of the City Council, Vice Mayor Honey Lacuna, to immediately hold a special session and a resolution be passed allocating a certain sum of money for the typhoon victims in the Visayas and Mindanao,” pahayag ni Moreno.
Panukala ni Moreno na magkaroon ng “Tulong ng Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette.”
Maari aniyang pangunahan ito ng lokal na mga negosyante at mga volunteer groups na sumusuporta sa kandidatura ni Moreno.
“Thankful as we are that Metro Manila and Luzon were spared by the Typhoon Odette, I now appeal to kind-hearted Manilenos to share whatever they can for our Visayan and Mindanao brothers severely affected by the typhoon,” pahayag ni Moreno.
Nabatid na nakipag-ugnayan na ang campaign chief ni Moreno na si Lito Banayo kay Cebu 3rd District Congressman Pablo John Garcia para sa relief operation.
“I was told by Cong. PJ Garcia that they do not yet have a clear assessment of the damage from Odette since power and communication lines were down at the height of the typhoon. Hopefully, power will be restored and the Cebu airport becomes operational again by next week,” pahayag ni Banayo.