Isang babae patay sa Bagyong Odette sa Iloilo

Patay ang isang 54-anyos na babae matapos matamaan ng kawayan sa Iloilo City dahil sa Bagyong Odette.

Ayon kay Iloilo Mayor Jerry Treñas, agad na binawian ng buhay ang babae.

Nabatid na tinangay ng malakas na hangin ang kawayan at tumama sa biktima.

Nasa 4,000 katao aniya na naninirahan sa coastal areas ang inilikas na.

Wala pa rin aniyang suplay ng kuryente.

 

 

Read more...