127 pamilya sa Guimaras, inilikas din dahil sa #OdettePH

By Angellic Jordan December 16, 2021 - 04:40 PM

Photo credit: Province of Guimaras/Facebook

Inilikas ng mga awtoridad ang 127 pamilya o 456 indibiduwal mula sa dalawang komunidad sa probinsya ng Guimaras.

Ito ay bilang preparasyon sa Bagyong Odette.

Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office ng munisipalidad ng Nueva Valencia ng forced evacuation sa Unisan Island noong December 15.

85 pamilya o 305 indibiduwal ang nailikas dito.

Samantala, araw ng Huwebes (December 16) naman isinagawa ang preemptive evacuation sa Sitio Naoway, Barangay San Isidro kung saan 42 pamilya o 151 indibiduwal ang nailikas.

Sa ngayon, nakataas ang Guimaras sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 dulot ng naturang bagyo.

TAGS: #weatheradvisory, Guimaras, InquirerNews, OdettePH, Pagasa, Radyo InquirerNews, weatherupdate, #weatheradvisory, Guimaras, InquirerNews, OdettePH, Pagasa, Radyo InquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.