Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lalawigan sa Visayas
Naglabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas bunsod ng Bagyong Odette.
Sa abiso bandang 2:00 ng hapon, nakataas ang red warning level sa Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Bohol.
Sa nasabing mga lugar, inaasahang makararanas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mabundok na lugar.
Kabilang naman sa orange warning level ang Cebu (Central Cebu at Southern Cebu), at Siquijor.
Nasa yellow warning level naman ang Cebu (Northern Cebu), Negros Oriental, Negros Occidental, Northern portion ng Iloilo at Guimaras.
Paalala ng PAGASA, manatiling nakatutok sa abiso ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.