2 patay sa pananalasa ng ipo-ipo sa Oklahoma

By Kathleen Betina Aenlle May 10, 2016 - 05:19 PM

Credit: AFP
Credit: AFP

Hindi bababa sa dalawa ang kumpirmadong patay nang manalasa ang ilang malalaking buhawi na may kasamang hail na kasinlaki ng ubas sa Oklahoma.

Nagsimula ang bagyo sa nasabing US state Lunes ng hapon malapit sa Elmore City sa Gavin County.

Natungkab ang bubong ng mga bahay at isang bus na walang laman ang napabalitang nilipad ng hangin at naiwang nakalambitin sa isang malaking puno.

Ayon sa panayam ng CBS news kay Garvin County Sheriff Larry Rhodes, kabilang sa mga nasawi ay isang 75-anyos na lalaki.

Isa pang bagyo ang nagdulot rin ng pangatlong ipo-ipo na may kasamang mga hail na kasinlaki ng golf ball na sumira sa mga bahay at gusali.

Batay sa mga media, maraming tao ang nawawala matapos nito at inaasahang gagalaw ang mga bagyo sa Ohio at Tennessee pagdating ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.