PNP: Walang bagong pulis na tinamaan ng COVID-19

Walang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (December 16), 42,240 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 25 ang aktibo pang kaso.

Tatlo namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,090 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...