Burgos, Surigao del Norte niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Surigao del Norte, Miyerkules ng gabi.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 56 kilometers Northeast ng Burgos dakong 9:11 ng gabi.

May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa nasabing bayan.

Walang napaulat na pinsala sa bayan ng Burgos at mga katabing lalawigan.

Ngunit maaring makaranas ng aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...