LOOK: Mga lugar na #WalangPasok sa Dec. 16 dahil sa #OdettePH

(UPDATED) Nag-anunsiyo na ang ilang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng pasok sa araw ng Huwebes, December 16.

Bunsod ito ng inaasahang pagtama ng Bagyong Odette.

Suspendido ang pasok sa government offices at klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod na lugar:
– Northern Samar
– Palo, Leyte
– Eastern Samar

Kanselado rin ang pasok sa gobyerno at pampublikong eskwelahan sa Lapu-Lapu City at hinikayat ang mga pribadong paaralan at kumpanya na magsuspinde na rin ng pasok.

Batay sa abiso ng PAGASA, inaasahang tatama ang bagyo sa bisinidad ng Caraga o Eastern Samar sa Huwebes ng hapon o gabi.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update.

Read more...